MANILA, Philippines – Magsisimula ang pagpapatupad ng pinagsamang 911 emergency call system ng Department of Interior and Local Government sa Hulyo.
Ikakasa ito sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Visayas, BARMM, NCR, at mga probinsya ng Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, palalawakin ito kada buwan hanggang masakop ang lahat ng 18 rehiyon.
Sasaklawin ng systemang ito ang mga emergency gaya ng sunog, ambulansya, at iba pa, habang ang Philippine National Police ang tatanggap ng tawag para sa pulis.







