Home HOME BANNER STORY General 911 emergency call system pagaganahin na sa Hulyo

General 911 emergency call system pagaganahin na sa Hulyo

253
0

MANILA, Philippines – Magsisimula ang pagpapatupad ng pinagsamang 911 emergency call system ng Department of Interior and Local Government sa Hulyo.

Ikakasa ito sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Visayas, BARMM, NCR, at mga probinsya ng Cavite, Laguna, at Rizal.

Ininspeksyon ni Dilg Sec. Remulla ang command center ng QCPD at sinubok ang mabilisang pagesponde sa mga tawag sa emergency. (Kuha ni Val Leonardo)

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, palalawakin ito kada buwan hanggang masakop ang lahat ng 18 rehiyon.

Sasaklawin ng systemang ito ang mga emergency gaya ng sunog, ambulansya, at iba pa, habang ang Philippine National Police ang tatanggap ng tawag para sa pulis.

Gagamitin din ang bagong teknolohiya gaya ng live streaming at geolocation para sa mas mabilis na tugon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here