Home NATIONWIDE VP Sara bumiyahe pa-Qatar at Netherlands

VP Sara bumiyahe pa-Qatar at Netherlands

95
0

MANILA, Philippines – Bumisita si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Qatar at Netherlands mula Mayo 26 hanggang Hunyo 4, 2025. Sa Doha, Qatar.

Targe ni VP Sara na makikipagkita sa mga Pilipino roon sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad gaya ng Thanksgiving mass, pagbisita sa health center at salon, at mga salu-salo kasama ang mga lider ng Filipino community.

Sa Netherlands, makikita niya ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa The Hague sa Mayo 30 at muli sa Hunyo 2–3.

Dadalo rin siya sa isang pagtitipon ng mga Pilipinong grupo sa harap ng International Criminal Court (ICC) sa Mayo 31.

Ito ang ikalawa niyang pagbisita sa The Hague mula nang maaresto ang kanyang ama noong Marso. Babalik siya sa Pilipinas sa Hunyo 4. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here