Home METRO 1 patay sa pamamaril sa Capiz, IloiloMETRONATIONWIDETOP STORIES 1 patay sa pamamaril sa Capiz, IloiloMay 27, 2025 07:261030 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay ang isang indibidwal sa magkahiwalay na pamamaril sa Capiz at Iloilo.Sa ulat, makikitang tumatakbo ang isang lalaking may suot na helmet at bigla na lamang binunot ang baril nito saka ipinutok ng ilang beses sa target.Nagkapalitan pa ng putok sa pagitan ng suspek at biktima.Matapos ang palitan ng putok ay umalis ang lalaki na parang walang nangyari.Naganap ang shooting incident sa isang eskinita sa Roxas City, Capiz noong Sabado.Ayon sa pulisya, ang insidente ay posibleng nag-ugat sa onsehan sa illegal na droga.Walang nasawi sa naturang insidente.Tinutunton na ng mga awtoridad ang mga sangkot na indibidwal.Samantala, patay ang isang lalaki sa Pototan, Iloilo sa isang shooting incident.Ayon sa ulat, pumasok sa bahay ang isang alyas “Pula” at hinanap umano ang ama ng tahanan.Umalis ang suspek nang hindi mahanap ang ama ngunit kalaunan ay bumalik kasama ang isang alyas “Tagi” at nagbanta.Agad na lumikas ang mga miyembro ng pamilya sa kanilang tirahan ngunit nahabol ng mga suspek ang biktima at binaril ito sa ulo.Ayon sa ama ng biktima, wala siyang ideya kung bakit binaril ang kanyang anak.Nakahandang magsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa mga suspek.Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.Sumuko na si Tagi sa pulisya habang si Pula ay pinaghahanap pa. RNT/JGC