Home ENTERTAINMENT Mediation ng GMA7 at ng TAPE Inc., nakatalda na sa May29!

Mediation ng GMA7 at ng TAPE Inc., nakatalda na sa May29!

270
0

Manila, Philippines – Technically, wala pang pormal na kasong isinasampa laban sa Tape, Inc. kaugnay ng pagkakautang nito sa GMA.

May kinalaman ito sa unpaid advertising revenues ng programang Tahanang Pinakamasaya na pumalit sa bagong Eat Bulaga.

Matatandaang January 2024 noong umere ang TP at nag-last episode noong March.

Kung susumahin, katumbas ng 50 episodes ang umere sa loob ng panahong nasa GMA ito.

Balitang aabot sa P38 million ang utang ng Jalosjos-owned company–‘di naman daw kalakihan kung tutuusin.

Ikinumpara nga ang figures na ito na kasinghalaga lang ng isang condo unit sa Rockwell sa Makati City.

Ang nakapagtataka nga lang daw ay ang pagkakadamay ng TV executive na si Malou Choa-Fagar gayong wala ang pangalan nito sa general complaint sheet kundi ang pangalan ni Mr. Antonio Tuviera.

Nakatakda sa May 29 ang proseso ng mediation sa pagitan ng GMA at ng Tape, Inc.

Ang usapin ay nasa Office of the City Prosecutor ng Quezon City.

Sa prosesong ‘yon malalaman kung may kaso ngang nakaamba laban sa Tape, Inc.

As it obviously appears now, there is technically no case yet against the Jalosjos-owned company.

Umaasa ang mga sangkot na mareresolba ang problema para hindi na umabot sa demandahan, tutal naman daw ay may binitiwang pangako ang kampo ng Tape, Inc. na binubuo ng mga taong madaling kausap.

Klaro? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here