Home ENTERTAINMENT BQ, umeere sa 41 bansa sa Africa!

BQ, umeere sa 41 bansa sa Africa!

246
0

Manila, Philippines – Gangs of Manila.

Ito ang pamagat ng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin na ngayo’y umeere sa 41 bansa sa Africa.

Bilang pasasalamat nga, nasa Kenya ang ilang Kapamilya stars bilang kauna-unahang pagkakataong makaniig nila ang mga mamamayan doon na tumatangkilik ng GOM.

Sa darating na June 28 ay idaraos ang Live in Kenya sa Nairobi Cinema kung saan inaasahang dadaluhan ni Coco at ng kanyang rumored (pa ba?) girlfriend na si Julia Montes.

Bale magsisilbing cultural exchange din ito.

Masasabi ngang milestone ang pagpapalabas ng mga Kapamilya shows sa Africa, partikular sa 41 bansa doon.

By July ay magsisimula na ring ipalabas ang teleserye nina Coco at Julia na Walang Hanggan.

By September naman ay matutunghayan ang Saving Grace tampok si Julia, Sharon Cuneta, among others.

Kahit ang Doble Kara ni Julia noon ay patok sa African community at iba pang palabas.

Inaasahang magkakaroon ng interes ang ABS-CBN na mag-shoot anywhere in Africa and possibly recruit African talents to be part of the production.

For one, Nigeria is productive in terms of churning out materials kung saan very relatable ang ginagamit na tema at kuwento. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here