Home OPINION NCRPO TUMUGON SA PANAWAGAN NI PBBM

NCRPO TUMUGON SA PANAWAGAN NI PBBM

166
0

MABILIS ang ginawang pagtugon ng National Capital Region Police Office ilalim ng pamumuno ni PMGen Anthony A. Aberin sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa mas pinatinding ‘police visibility’.

Bago pa man sumikat ang araw nitong Mayo 26, nagpakitang gilas na si Aberin at ipinatupad ang “full-scale and high-impact demonstration” ng pinalakas na police visibility operation na sinaksihan nina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at ilan pang opisyales ng DILG.

Iniyabang ni Aberin na handa siyang tapatan ang panawagan ng Pangulo at siniguro niya na mararamdaman, makikita at maririnig ng publiko ang mga pulis na handang labanan ang krimen.

Bukod pa sa pagnanais na maramdaman ng mga tao na mayroon silang matatakbuhan sa oras ng panganib, itutulak ni Aberin na maramdaman ng mga tao sa Metro Manila ang pakiramdam ng ligtas sa kanilang pamayanan.

Iginiit din ni Aberin na mula sa kanilang tanggapan ay bababa sa publiko o mga lugar na matao ang mga pulis upang makilala sila ng publiko at hindi matakot sa presensiya nila sa komunidad.

At upang patunayan na may kakayahan ang NCRPO na tumugon sa panawagan ni PBBM, muling ilulunsad ang “Cops on the Beat” program, isang program ana naglalayong makita ang mga pulis ng mamamayan sa tuwi-tuwina.

Sinimulan ni Aberin ang pagpapakitang-gilas sa kanyang ginawang pagbisita at pag-inspeksyon sa mga pulis sa Quezon City Police District na sinundan nang pagbibigay ng ulang detalye kaugnay sa mga istratehiyang kanyang gagawin sa Metro Manila.

Umabot sa mahigit 21,000 pulis mula sa limang distrito ng Kamaynilaan at maging mula sa Regional Mobile Force Battalion ang nagpakita ng pakikiisa sa kanilang Regional Director upang makipagsabayan sa recalibrated visibility strategy na nais ni Pangulong Bongbong.

Ito na kaya ang daan upang matupad ang hangarin ni Aberin? Siya na kaya ang pamalit kay chief PNP PGen. Rommel Marbil?

Wala namang masama kung mangarap at maghangad. May kakayahan naman siya bukod sa talagang kwalipikado.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here