Home ENTERTAINMENT Lolit, sinabihan ang mga alaga na maghanap ng ibang manager!

Lolit, sinabihan ang mga alaga na maghanap ng ibang manager!

272
0

Manila, Philippines – Hangga’t maaari ay ayaw nang mag-manage ni Lolit Solis ng mga artista.

Kahit nga ‘yung mga kasalukuyan niyang hina-handle ay kinausap na niya, na kung maaari’y maghanap nang ibang magma-manage sa kanila.

Bakit, has the 78-year old feisty talent manager reached her saturation point?

Aminado si Lolit na kasamang nagbabago ang galawan sa showbiz.

Nagbabago o nag-iiba na rin ang mga kunseksyon that managers like her used to tap.

Pero sa kabila ng kanyang pang-uurot sa kanyang mga alaga to look for other managers ay tumanim sa kanya ang sinabi ni Bong Revilla.

Ayon sa outgoing senator, habang buhay daw si Lolit ay mananatili silang nasa poder nito.

Kuwento ni Lolit sa kanyang recent birthday celebration: “Sabi ba naman ni Bong, hindi raw sila magpapalit ng manager…’Ang takot lang nila sa ‘yo!’ Kilala n’yo naman ang kasalbahehan ko…hahaha!”

Speaking of hanggang nabubuhay, inamin ni Lolit na sinadya pala niyang hindi magpa-thanksgiving party noong December last year tulad ng kanyang nakagawian.

Feeling daw niya kasi, dahil mahinang-mahina na siya noon ay hindi siya aabot sa kanyang 78th birthday this year.

Thankful dahil umabot pa raw siya, Lolit vowed to hold one this December. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here