Home NATIONWIDE P120M pekeng luxury goods nasamsam ng NBI

P120M pekeng luxury goods nasamsam ng NBI

181
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 1,002 counterfeit luxury products na halagang P120 milyon sa Manila at Paranaque.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na sinalakay ng mga ahente ng Intellectual Property Rights Division ang ilang stalls sa Binondo, Manila at isang gusali sa Parañaque City.

Kasunod ito ng paghahain ng reklamo ng abogado ng luxury brand na Louis Vuitton laban sa kanila.

Ang nasabing operasyon ay nagbunga ng pagkakasamsam sa mga pekeng produkto na may tatak na Louis Vuitton na nagkakahalaga sa kabuuang P120.9 milyon.

Nahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang mga nagbebenta ng pekeng produkto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here