MANILA, Philippines – Kumpirmado ng Bureau of Animal Industry (BAI) na walang bagong kaso ng avian influenza sa bansa mula Mayo 17 hanggang 23, 2025.
“There were no positive HPAl (highly pathogenic avian influenza) cases reported from the period of May 17 to May 23, 2025,” ayon sa BAI.
Ang huling naitalang kaso ng H5N9 strain sa mga bibe sa Camaligan, Camarines Sur noong Abril 30 ay naresolba na sa pamamagitan ng depopulasyon, paglilinis, at mahigpit na pagbabantay. Santi Celario






