MANILA, PHILIPPINES – Pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry-run ng odd-even traffic scheme sa EDSA ng isang buwan simula Hunyo 16, 2025.
Sa panahong ito, walang huhulihin—ang mga lalabag ay makakatanggap lamang ng babala.
“Walang huhulihin sa loob ng isang buwan. Ang mga lalabag ay sisitahin lamang at padadalhan ng notice pero hindi pa papatawan ng multa,” aniya.
Layunin ng scheme na maibsan ang trapiko habang isinasagawa ang EDSA rebuild hanggang 2027.
Ipinagbabawal ang mga pribadong sasakyang may plakang nagtatapos sa 1,3,5,7,9 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, at 0,2,4,6,8 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Hindi ito ipatutupad tuwing Linggo.
Exempted naman ang pampublikong sasakyan, emergency vehicles, e-vehicles, motorsiklo, at mga sasakyang tumatawid sa EDSA. RNT