MANILA, Philippines – Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro laban sa militar sa Camarines Sur noong Mayo 26, 2025.
Limang iba pa ang sumuko sa mga awtoridad sa hiwalay na insidente.
Narekober sa lugar ang mga baril, pampasabog, at personal na gamit ng mga rebelde.
Sa Masbate, nasamsam din ng militar ang limang matataas na kalibre ng armas matapos ang isa pang sagupaan.
Kinondena ng 9th Infantry Division ang patuloy na aktibidad ng NPA at nanawagan sa natitirang miyembro na sumuko na at huwag nang masayang ang kanilang buhay. RNT