MANILA, Philippines – Arestado ang isang construction worker na kinilalang si “Bynig” sa buy-bust operation sa Barangay Umapad, Mandaue City noong Mayo 26, 2025.
Nasamsam mula sa kanya ang 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon.
Kinokonsiderang high-value target ang suspek na umano’y nakakapag-distribute ng isang kilo ng shabu kada linggo.
Ayon sa pulisya, galing umano ang droga sa dalawang inmate sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center—isa sa kanila ay sinasabing kapatid niya.
Kakaharapin niya ang kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. Santi Celario