Home NATIONWIDE Mga inobasyon sa Halalan, muling Ipapatupad sa BSKE sa Disyembre – Comelec

Mga inobasyon sa Halalan, muling Ipapatupad sa BSKE sa Disyembre – Comelec

230
0

Manila, Philippines – Muling ipatutupad ng Commission on Elections (Comelec) ang mga inobasyong ginamit noong May 12 midterm elections sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, kabilang sa mga inobasyong ito ang maagang pagboto, mall voting, at priority polling places para sa mga kabilang sa vulnerable sectors tulad ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis.

Dagdag pa ni Laudiangco, tinitingnan din ng Comelec ang posibilidad ng paggamit ng automated counting machines (ACMs) sa piling mga lugar sa bansa upang higit pang mapabilis at mapahusay ang pagbibilang ng boto.

Aniya, patuloy ang paghahanda ng Comelec para sa BSKE na nakatakda sa Disyembre 1, hangga’t wala pang batas na nagtatakdang ipagpaliban ito.

Batay sa Comelec Resolution No. 11132 na inilabas noong Abril 21, itinakda ang election period mula Oktubre 21 hanggang Disyembre 31, 2025. Sa nasabing panahon, mahigpit na ipagbabawal ang pagdadala ng armas at iba pang nakamamatay na sandata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here