Home NATIONWIDE 2 ‘ginahasang’ PAF officer ng general, balik-trabaho na

2 ‘ginahasang’ PAF officer ng general, balik-trabaho na

245
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na bumalik na sa trabaho ang mga junior officers na nagreklamo ng panggagahasa laban sa isang heneral matapos ang kanilang mental health break.

Nakakuha ang mga biktima ng psychological at legal na tulong ngunit pinili nilang kumuha ng pribadong abogado.

“The victims were given actually a mental health break right after nangyari (the incident). They were offered legal assistance as well as psychological assistance as well,” ayon kay PAF public affairs office acting chief Colonel Ritza Ann Jovellanos sa isang press briefing.

“Although they opted to get their private counsel and to be psychologically checked outside. But they’re back sa trabaho nila (to their jobs),” aniya pa.

Inilarawan ng PAF ang insidente bilang isolated at binigyang-diin na may sapat na kaalaman ang mga tauhan sa kanilang karapatan sa ilalim ng Safe Spaces Act.

Itinanggi ng akusadong heneral ang paratang at sinabi na imposible ang pangyayari.

Siya ay pinalitan ng pwesto at isinailalim sa kustodiya.

Nasa proseso na ang kaso para mairefer sa General Court Martial na may kasamang kaso ng Conduct Unbecoming at Disorders Prejudicial to Military Discipline. Nagsampa rin ng kasong kriminal ang mga biktima sa Prosecutor’s Office. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here