Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakapili na siya ng susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP), na kanyang inilarawan bilang isang “very senior officer.”
“I would rather not use this forum to announce that. I think I should talk to them first because the official decision has not been made,” ani Pangulong Marcos sa isang press briefing kasama ang Philippine media delegation sa ASEAN Summit sa Malaysia nitong Martes.
“Whoever it is should hear about it first from me, not through the news,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon sa kanya, ang kanyang marching orders sa incoming chief ng 228,000-strong police force ay ipagpatuloy ang mga kasalukuyang hakbangin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
“The new chief PNP is a very senior officer in the PNP. He knows the situation. And I will actually tell them, carry on what you are doing. Because we have very good statistics concerning crime,” ani Marcos.
Ibinahagi rin ng Pangulo na bumaba ng 23% ang krimen sa Kalakhang Maynila sa nakalipas na anim na buwan. Sa buong bansa naman, bumaba ang index crimes mula 15,156 (Enero 1 hanggang Mayo 16, 2023) sa 11,493 sa kaparehong panahon ngayong taon.
“Everything—murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping—all went down. So, they must be doing something right,” wika ni Marcos.
Gayunpaman, binigyang-diin ng Pangulo na ang pagdaragdag ng police presence sa mga pampublikong lugar ay mananatiling prayoridad upang mapataas ang tiwala at pakiramdam ng seguridad ng publiko.
Tinukoy rin niya ang inilunsad na “Cops on the Beat” program, na layong palakasin ang police visibility sa mga komunidad.
Muli ring iginiit ng Pangulo ang layunin ng administrasyon na sentralisahin ang emergency services upang makamit ang target na five-minute response time, partikular sa mga urban areas.
Samantala, kabilang sa mga inaasahang kandidatong papalit kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil, na magreretiro sa Hunyo 7, ay sina Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., PNP Deputy Chief for Administration; Lt. Gen. Edgar Allan Okubo, Chief of Directorial Staff; Brig. Gen. Anthony Aberin, NCR Police Office Director; at Maj. Gen. Nicolas Torre III, CIDG Director. Kris Jose