Home NATIONWIDE Antipolo investment scam hub sinalakay; 70 arestado

Antipolo investment scam hub sinalakay; 70 arestado

189
0

MANILA, PHILIPPINES – Arestado ang 70 katao sa isang raid ng pulisya sa umano’y online investment scam hub sa Barangay San Roque, Antipolo noong Mayo 27.

Inisyuhan ng warrant ang may-ari ng gusali na si “Arthur” dahil sa umano’y paglabag sa batas ukol sa securities at cybercrime.

Pinangunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group, SEC, at lokal na pulisya ang operasyon, batay sa ulat ng isang Australian national noong 2024.

May isa ring menor de edad na natagpuan sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon at pagsusuri sa mga computer. Nagbabala si PNP ACG Chief Brig. Gen. Bernard Yang na walang ligtas ang mga online scammer sa batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here