Home NATIONWIDE Madalas na byaheng abroad ni DOH chief Herbosa sinita ni Sen. Villanueva

Madalas na byaheng abroad ni DOH chief Herbosa sinita ni Sen. Villanueva

259
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Senador Joel Villanueva ang panawagan ni Pangulong Marcos para sa courtesy resignation ng mga miyembro ng Gabinete, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng performance-based na pamahalaan.

Kasabay nito, sinita niya ang madalas na biyahe sa ibang bansa ni Health Secretary Ted Herbosa—19 na ulit mula 2023—sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng Department of Health (DOH).

“If we are talking about statistics just like in basketball, that’s one travel every two months,” anang senador.

Binanggit ni Villanueva ang P11.18 bilyong halaga ng expired o nasayang na gamot noong 2023 at naghain na siya ng mga resolusyon sa Senado upang imbestigahan ito.

Aniya, dapat ay batay sa kakayahan at hindi sa political loyalty ang pananatili sa posisyon, at panahon na para alisin ang mga hindi epektibong opisyal sa Gabinete. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here