Home METRO Ikatlong akusado sa pagpaslang sa pulis-Maynila arestado

Ikatlong akusado sa pagpaslang sa pulis-Maynila arestado

196
0

MANILA, Philippines- Arestado sa bisa ng arrest warrant ang ikatlo sa apat na akusado sa pagpatay sa isang pulis noong June 19, 2015.

Sa rekord ng Manila Police District (MPD), 10 taonG nagtago sa batas ang akusado sa kasong pagpatay kay Police Officer 3 Ronald Leonardo.

Si Leonardo ay dating naka-assign bilang operatiba ng follow-up section ng MPD na dating Anti-Crime Unit.

Sa impormasyon, tinatrabaho umano ng operatiba ang grupo ng mga akusado na sangkot sa mga serye noon ng holdapan bukod pa sa pagkakasangkot sa ilegal na droga at nakawan.

Gayunman, natunugan ito ng mga akusado kaya inabangan si Leonardo habang pauwi na sa kanilang bahay.

Siya ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Ayon sa MPD, una nang naaresto noong 2017 ang dalawa sa apat na akusado kabilang ang isa na itinurong gunman.

Itinanggi naman ng naarestong akusado ang krimen ngunit itinuro ang mastermind na si alyas Michael Flores. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here