Home NATIONWIDE Kapakanan ng OFWs isinulong ni PBBM sa pulong sa Kuwaiti Prince

Kapakanan ng OFWs isinulong ni PBBM sa pulong sa Kuwaiti Prince

107
0

MANILA, Philippines- Binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kapakanan at proteksyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa bilateral meeting kasama si Kuwait’s Crown Prince Sheikh Sabah Al-Khaled Al-Hamad Al-Sabah sa sidelines ng ASEAN Summit sa Malaysia.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang dayalogo ay bahagi ng serye ng produktibong bilateral engagements kasama ang kapwa ASEAN at regional leaders.

“Those bilateral contacts are very, very important. And we have, of course, continued to encourage that,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo na napag-usapan din nila ng Kuwaiti Crown Prince na mahalagang papel ng mga Pilipinong manggagawa sa pag-unlad ng Gulf nation.

“And we spoke now with Kuwait about the interaction between the Philippines and Kuwait and how they would like to – how grateful they are for the contribution that our OFWs have done to the development of their country and they have been very kind to us,” anito.

Sa isang social media post kasunod ng miting, muling isinatinig ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pag-uusap.

“Isinulong natin ang kapakanan ng ating overseas Filipino workers sa naging pag-uusap ko kay Crown Prince Sheikh Sabah Al-Khaled Al-Hamad Al-Sabah ng Kuwait,” wika ng Pangulo.

Sinabi pa niya na napag-usapan din nilang palakasin ang economic relations at labor cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Nangyari ang pulong sa gitna ng nagpapatuloy na pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na ayusin ang kondisyon ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa partikular na sa Gitnang Silangan, kung saan ang OFWs ay nagtatrabaho sa domestic at service industries.

Ang deployment ng first-time domestic workers sa Kuwait ay ipinagbabawal sa gitna ng napaulat na pagkamatay ng ilang Filipino workers doon.

Maliban sa Kuwait, si Pangulong ay nagkaroon din ng bilateral talks sa Lao PDR, Thailand, Vietnam, at Cambodia. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here