Home METRO Pasahero kalaboso sa bomb joke

Pasahero kalaboso sa bomb joke

223
0

MANILA, Philippines- Arestado ang isang lalaki dahil sa umano’y bomb joke na dahilan ng pagkaantala ng flight mula Manila patungong General Santos sa loob ng halos tatlong oras nitong Miyerkules.

Sinabi ni Police Aviation Security Group chief Col. Ceasar Lumiwes na sinabi umano ng pasahero sa isang Cebu Pacific flight crew na mag-ingat sa pag-adjust sa kanyang bag, sa pagsasabing, “Baka po may sumabog.”

Subalit, sa pagbusisi sa eroplano at sa bagahe ay walang nadiskubreng pampasabog.

Mahaharap ang pasahero sa reklamong paglabag sa Anti-Bomb Joke Law.

Hinimok naman ni Manila International Airport Authority General Manager Eric Ines ang mga biyaherong iwasang magbiro ukol sa pampasabog habang nasa paliparan upang maiwasan ang pagkaabala at pagkaantala.

“Iwasan po nagin ang pagbibiro ng may bomba ang bagahe dahil ito po ay bawal,” pahayag ni Ines. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here