Home METRO Motorcycle driver todas sa pasahero

Motorcycle driver todas sa pasahero

232
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang motorcycle driver sa Barangay 127, Tondo, Manila, matapos barilin ng sarili nitong pasahero sa motorsiklo.

Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang insidente lampas alas-3 ng hapon nang minamaneho ng biktima ang motorsiklo angkas ang suspek na pasahero nito.

Base sa mga awtoridad, binaril ng pasahero ang biktima sa batok, kung saan tumagos ang bala sa kaliwang kilay nito.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pagpatay at tinutugis ang suspek. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here