Manila, Philippines – Marahil ay pinagtatakhan ng marami kung bakit nagsilang na’t lahat si Maja Salvador ng kanilang anak ni Rambo Nuñez, pero hanggang ngayo’y hindi pa nasusulyapan ang hitsura ni Baby Maria.
Sunud-sunod na nga naman kasi ang face reveal ng mga anak ng celebrities.
Nalamang tisoy ang guwapong si Korben na anak ni Tom Rodriguez sa kanyang non-showbiz partner.
Cute na cute din ang Dragon baby nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na si Baby Liana.
‘Yun nga lang, ayaw makiuso nina Maja at Rambo.
Maging ang mga iniaalok daw na commercials sa baby ay tine-turn down ng aktres–much less ang ibalandra ang hitsura nito sa social media.
Maja has reasons for doing so.
Aniya, paano raw pag lumaki’t nagkaisip si Baby Maria–gugustuhin kaya nito ang ginawang pagsasapubliko sa kanya ng kanyang mga magulang?
Kumbaga, Maja would rather wait for the right time na ang mismong anak would want her face revealed and be seen in public.
Bagama’t may katwiran si Maja, nakaka-guilty ba ang gagawin nilang face reveal gayong senyales ‘yon how proud the couple is of their child?
Does Maja honestly believe na pag laki ni Baby Maria ay susumbatan sila nito?
Any parent would want his or her child to proudly display its photos.
For sure naman, Baby Maria is such an adorable cute little girl the netizens will instantly take delight in! Ronnie Carrasco III