MANILA, Philippines- Personal na dumalo si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig Regional Trial Court kasabay ng pagpresenta ng kanyang mga abogado ng mga ebidensya kontra sa kinahaharap na kasong qualified human trafficking.
Tumanggi naman si Atty Nicole Jamilla, legal counsel ni Guo na pangalanan ang kanilang magiging testigo. Hindi rin nito idinetalye ang mga ebidensya na iprinisinta sa korte.
Umaasa si Jamilla na sapat ang mga ebidensyang kanilang isinumite para kontrahin ang reklamo laban kay Guo.
Ipinaliwanag ni Jamilla na kinailangang humarap si Guo kanina sa korte dahil sila na ang maghahain ng mga ebidensya.
“Basically she needed to appear personally.”
Magugunita na bukod sa kaso ng human trafficking, nahaharap din si Guo sa money laundering case. Teresa Tavares