Home ENTERTAINMENT Kylie at AJ, mag-uusap, naudlot!

Kylie at AJ, mag-uusap, naudlot!

253
0

Manila, Philippines – Dapat sana pala’y maghaharap at mag-uusap sina Kylie Padilla at AJ Raval nang masinsinan.

As we all know, si Kylie ang nakaraan sa buhay ni Aljur Abrenica, at si AJ naman ang kasalukuyan.

All’s well na nga sa pagitan ng former couple.

In fact, maayos na pinag-usapan nina Kylie at Aljur ang kanilang co-parenting setup.

Dalawa ang mga supling nila–sina Alas at Axl.

On AJ mothering a child by Aljur ay walang ideya si Kylie.

All that she knows ay mukhang AJ makes a good mom base na rin sa magandang trato nito sa kanilang dalawang anak ni Aljur.

But Kylie would rather not comment any further, baka nga naman malagay siya sa alanganin.

But she confided that she and AJ were supposed to engage in a talk.

Hindi nga lang daw ‘yon natuloy.

Besides, ayaw din naman daw i-push o ipilit ni Kylie ang isang bagay lalo’t kung hindi pa sa tamang panahon.

Sa ngayon, abala si Kylie sa kanyang showbiz work–bagay na ikinalulungkot daw ng kanyang mga anak as it would mean her absence to keep them company. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here