Home NATIONWIDE Higit 700 violations naitala sa ikalawang araw ng muling paggulong ng NCAP 

Higit 700 violations naitala sa ikalawang araw ng muling paggulong ng NCAP 

89
0

MANILA, Philippines- Naitala sa ikalawang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ang 695 traffic violations hanggang alas-10 ng gabi nitong Martes, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Mas mababa ang bilang na ito kumpara sa 1,112 offenses na naitala sa unang araw ng renewed NCAP enforcement. 

Gumagamit sa NCAP ng artificial intelligence-powered cameras upang matukoy ang traffic offenders upang hindi na gaanong kailanganin ang physical apprehensions ng traffic enforcers, base sa MMDA.

Nilalayon ng polisiya na ibsan ang pagsisikip at paghusayin ang road safety bago ang nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA sa June 16. 

Nasa 300 camera ang ikinabit sa kahabaan ng major roads sa Metro Manila, kabilang ang EDSA, Araneta Avenue, at Commonwealth Avenue. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here