Home METRO P13.7M ‘bato’ nasamsam pasaherong senior sa NAIA T3

P13.7M ‘bato’ nasamsam pasaherong senior sa NAIA T3

212
0
Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang 62 taong gulang na babaeng pasahero makaraang makumpiskahan ito ng P13.7 milyong halaga ng shabu sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Miyerkules ng hapon, Mayo 28.

Kinilala ng AIDITG ang nadakip na suspek na si Loida Talde, residente ng 2264, Harrison St., Brgy 26, Pasay City.

Base sa nakalap na inisyal na report ng IADITG, naganap ang pag-aresto sa suspek bandang ala-1:19 ng hapon sa Final Security Screening Checkpoint, Domestic Departure Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.

Napag-alaman na ang suspek ay isang pasahero na nakatakda sanang sumakay ng eroplano ng Cebu Pacific Airlines na may Flight No. 5J 487 patungong Bacolod.

Sa huling pagkakataon ay dumaan si Talde sa Final Security Screening Checkpoint sa Domestic Departure Area, NAIA Terminal 3, kung saan isinagawa ang interdiction operation na nagdulot ng kanyang pagkakaaresto matapos madiskubre ang ilegal na droga sa kanyang posesyon.

Nakumpiska sa suspek ang isang kulay pink na bag kung saan nadiskubre ang 2,024 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,763,200.

Kabilang sa mga nasamsam sa suspek ang dalawang identification cards na nakapangalan sa suspek; itim na case; digital weighing scale; self-sealing transparent plastic sachet na naglalaman ng ilang pirasong transparent sachets; at isang cellular phone.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para sumailalim sa laboratory examination.

Ang IADITG ay binubuo ng ng mga ahensya ng gobyerno na pinangungunahan ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); Bureau of Immigration (BI); at ng Office for Transportation Security.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 26 (Attempt to Transport) na may kaugnayan sa Section 5, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here