MANILA, Philippines- Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na menor-de-edad na mga biktima ng sexual abuse at exploitation sa Bombon, Camarines Sur.
Ayon sa NBI, ang operasyon ay kasunod ng ulat ng US Homeland Security Investigations team sa Manila na ang isang Pinoy ay nagbebenta ng child sexual abuse materials (CSAEM) online kapalit ng pera.
Kasunod nito, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI Violence Against Women and Children Division at ang NBI Naga District Office sa tirahan ng suspek na humantong sa pagkakaaresto nito noong Mayo 27.
Pagkatapos ay sinuri ng NBI ang mga cellphone na nakuha sa operasyon.
Nalaman ng mga ahente na apat sa mga menor-de-edad ang lumitaw sa mga larawang ibinebenta ng suspek.
Pagkatapos ay iniharap ang suspek para sa inquest proceedings para sa paglabag sa Section 4(c) ng Republic Act 11930, o kilala bilang “Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act,” kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175, o kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Jocelyn Tabangcura-Domenden