Home NATIONWIDE 20 Pinoy crew ng lumubog na barko sa India ligtas

20 Pinoy crew ng lumubog na barko sa India ligtas

248
0

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang 20 kumpirmadong Filipino seafarers na sakay ng tumaob na barko sa karagatan ng India.

Ang M/V MSC Elsa 3 ay lumubog sa baybayin ng Kochi, Kerala India noong May 24.

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang 20 Pinoy Seafarers ay nakikipag-usap na sa kanilang pamilya habang hinihintay ang kanilang repatriation.

“One of the directives of our President Ferdinand Marcos Jr. is to always ensure the safety and well-being of our seafarers, much especially during unfortunate situations,” sabi ni Secretary Cacdac sa isang pahayag.

Ang mga seafarer ay kasalukuyang nananatili sa isang lokal na hotel sa Kochi, kung saan sila ay tumatanggap ng tulong mula sa mga kinatawan ng kanilang principal na nakabase sa India.

Sinabi ng DMW na mananatili doon ang mga seafarer sa mga susunod na araw habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente bago ang kanilang repatriation.

Inatasan na rin ng DMW ang concerned agencies na magbigay ng basic needs sa seafarers.

Sa koordinasyon ng Philippine Embassy, LMA at principal, inaayos na ng DMW ang mabilis na pagpapauwi sa mga seafarers.

Ang Liberian-flagged cargo ship na M/V MSC Elsa 3 ay iniulat na tumaob sa baybayin ng port city ng Kochi, Kerala, India noong Sabado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here