Home HOME BANNER STORY ES Bersamin: Nicolas Torre sunod na PNP chief

ES Bersamin: Nicolas Torre sunod na PNP chief

200
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Police Major General Nicolas Torre III ang susunod na Philippine National Police chief. 

“The turnover of command will take place on June 2,” ayon kay Bersamin.

Papalitan ni Torre si current PNP chief Police General Rommel Marbil, na nakatakdang mapaso ang extended term sa June 7.

Noong Pebrero, pinalawig ni Marcos ang termino ni Marbil ng apat na buwan, lampas sa compulsory retirement age na 56 ng opisyal sa gitna ng election season.

Isang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad class of 1993, si Torre ay nagsilbi bilang director ng Quezon City Police District (QCPD) at Davao Regional Police Office kung saan pinangunahan niya ang matagumpay na pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16-day extensive police operation.

Pinangunahan din ni Torre ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang pagturn-over sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y crimes against humanity sa bansa sa panahon ng kanyang pagpapatupad ng drug war.

Si Torre ay aabot na mandatory retirement age na 56 sa darating na March 11, 2027.

Siya ang ika-31 PNP chief at ika-4 sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Samantala, nauna nang sinabi ng Pangulo na ang una niyang direktiba sa incoming chief ng 228,000-strong national police force ay panatilihin ang nagpapatuloy na pagsisikap na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, tinukoy ang kamakailan lamang na pagbaba ng crime rates bilang ebidensiya ng progreso. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here