Home ENTERTAINMENT Red Sternberg, pumanaw na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Red Sternberg, pumanaw na!May 31, 2025 11:233390 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Florida, USA – Nitong May 30, Biyernes ay namaalam na ang dating cast member ng T.G.I.S. na si Red Sternberg.He was 50.Ang T.G.I.S. ay dating youth-oriented program prodyus ng Viva TV na umere sa GMA.Naulila ni Red ang kanyang misis na si Sandy at tatlo nilang anak.Itinaon ni Sandy na ianunsyo ang malungkot na balita nitong May 30.Ito sana ang 51st kaarawan ni Red who passed on last May 27.Sa kanyang Facebook account, walang binanggit si Sandy na sanhi ng pagkamatay ng dating aktor.Biglaan daw ‘yon.Ikinalungkot ni Sandy ang pagbati ng happy birthday kay Red, at the same time ay ang “sorry for your loss.”Humihingi muna ng privacy ang pamilya ni Red.Kung matatandaan, back in the 90s ay sa T.G.I.S. sumikat sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Raven Villanueva, Rica Peralejo at marami pang iba.Minsan na ding tumakbong councilor si Red sa Pasay City many years ago ngunit hindi siya pinalad.Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Red Sternberg. Ronnie Carrasco III