Home METRO 9 himas-rehas sa bingo

9 himas-rehas sa bingo

190
0

CORDON, Isabela – Himas-rehas ang siyam na katao nang maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Purok 7, Barangay Dallao, Cordon, Isabela.

Sa mahigpit na kampanya sa illegal gambling na direktiba ni PCol. Lee Allen ‘LABB’ B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Officebo IPPO ay nahuli ang mga suspek sa aktwal na paglalaro ng bingo na may kasamang pustahan.

Nasamsam sa lugar ang isang Bingo Shaker, isang ₱50 bill, isang ₱20, isang ₱10 coin, dalawang ₱5 coins, isang ₱1 coin, isang-daan at apatnapu’t anim na bingo cards.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling sa bisa ng Republic Act 9287. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here