Home NATIONWIDE 11 Pinoy na nakulong sa Nigeria tutulungan ng pamahalaan

11 Pinoy na nakulong sa Nigeria tutulungan ng pamahalaan

232
0

MANILA, Philippines – Tutulungan ng pamahalaan ng Pilipinas ang 11 Pinoy na nakulong sa Nigeria sa umano’y “cyber-terrorism and internet fraud,” sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega nitong Linggo, Hunyo 1.

“Our Embassy is working on the case. They will be provided legal assistance,” sinabi ni De Vega sa panayam.

Nitong Sabado, iniulat na ang mga Filipino ay kasama sa 15 dayuhan na naaresto.

Kabilang dito ang dalawang Chinese, isang Malaysian, at isang Indonesian.

Sinentensyahan ang mga ito ng isang taong pagkabilanggo ng korte sa Lagos at pinagmumulta ng one million naira o $630, ayon kay Economic and Financial Crimes Commission (EFCC) spokesman Dele Oyewale.

Inakusahan ang mga ito na nagrerecruit ng mga batang Nigerian para sa “identity theft and to hold themselves out as persons of foreign nationality.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here