Home METRO 1 dedo, 2 sugatan sa salpukan ng tricycle, wing van

1 dedo, 2 sugatan sa salpukan ng tricycle, wing van

238
0

MANILA, Philippines- Sapul ang tricycle at isang wing van sa highway sa Polangui, Albay kung saan isa ang nasawi at dalawa ang sugatan.

Makikita sa dashcam video, binabaybay ng tricycle ng outer lane ng highway nang bigla itong kumanan at sumalpok sa isang kotse na agad na lumihis upang maiwasan ang banggaan.

Subalit, dahil sa daplis, nawalan ng kontrol sa sasakyan ang tricycle driver at bumangga sa wing van mula sa kabilang lane.

Idineklarang dead on arrival ang pasahero ng tricycle sa ospital, habang isa pang pasahero at driver ang sugatan.

Hinahanap pa ng mga awtoridad ang driver ng kotse, batay sa ulat nitong Linggo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here