ZAMBOANGA CITY- Nadakip ng mga awtoridad ang isang notoryus na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa lungsod na ito nitong Sabado.
Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Isnaji Jundam Hasim, 34.
Taga-suporta umano si Hasim ng ASG leader na si Ibni Acosta.
Inaakusahan si Hasim ng pagkakasangkot sa ilang high-profile na pagdukot at mga pagpatay, kabilang ang massacre sa walong mangingisda sa Siromon Island, Barangay Dita sa lugar na ito noong January 2019, pagpaslang sa mag-asawa sa Barangay Buenavista, Zamboanga City noong 2023, pagdukot sa Chinese na sina Jian Luo at Jampong Linyuan noong June 2024 sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay, at pagdukot kay Doroteo Gonzales sa Zamboanga City noong 2009.
Iniuugnay din siya sa mga serye ng engkwentro laban sa militar sa Basilan at dawit din sa gunrunning at sa illegal drugs trade.
Narekober ng mga pulis ang high-powered firearms at explosives sa kanyang tirahan.
Nahaharap si Hasim sa murder, kidnapping, illegal firearms, at illegal drugs charges. RNT/SA