Home OPINION ANIM NA BUWANG REHABILITASYON, KAKAYANIN KAYA?

ANIM NA BUWANG REHABILITASYON, KAKAYANIN KAYA?

171
0

TILA narinig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pahayag
ni Senator JV Ejercito na hindi magiging magulo ang rehabilitasyon ng EDSA
subalit “sobrang gulo” lalo’t walang economic planning para sa mga
apektado ang gobyerno kaya naman ipinasuspinde ito.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi muna sisimulan ang
rehabilitasyon ng halos 24 na kilometrong pangunahing kalsada sa Metro Manila
na dapat ay kumpunihin simula sa Hunyo 13 at matatapos sa 2027.

Sinabi rin ni Presidente Bongbong na ipinagpaliban ang
gawain habang masusing pinag-aralan ang magiging epekto ng rehabilitasyon sa
ekonomiya at sitwasyon ng mga mananakay na bumibiyahe para sa kanilang trabaho.

Syempre, ayaw ni Pangulong Marcos na maranasan ng mga
nagtatrabaho at residente ng Metro Manila ang hirap na magiging dulot ng
rehabilitasyon.

Kaya nga, inatasan niya ang mga sangkot na ahensya tulad ng
Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Metro
Manila Development Authority at iba pa na pag-aralang mabuti ang hakbang na
rehabilitasyon at bumuo ng konkretong plano upang hindi umabot sa dalawang
taon ang pagdurusa ng mga motorista at commuter na dumaraan sa EDSA.

Kaya naman ang sabi ni PBBM, sa muling pagsasaayos ng EDSA,
gagamit na lamang ng modernong teknolohiya para sa anim na buwang construction.

Anim na buwan? Hesusmariosep, kakayanin kaya?

Ang nais daw ni Pangulong Bongbong na gawin sa pagsasaayos
ng EDSA ay whole-of-government approach upang maging mabilis at
epektibo.

Sabagay, alam ng kalihim ng Transportasyon na si Secretary
Vince Dizon ang tamang pagpaplano dahil malinaw sa kanyang isipan ang tagubilin
ng Pangulo na hindi dapat abutin ng dalawang taon ang pagdurusa ng mga
tao sa pagdaan sa EDSA sapagkat magkakaroon ito ng epekto sa kanilang
trabaho na magiging problema rin sa kalaunan sa ekonomiya ng ating bansa.

Mabuti na rin na ipinagpaliban ang rehabilitasyon ng Edsa
ngayong Hunyo sapagkat magsisimula na ang pasukan ng mga eskwela at malaki ang
magiging epekto nang pagpapatupad ng number at odd even coding schemes sa oras
ng bawat gumagamit ng nasabing pangunahing kalsada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here