BUKIDNON– Arestado ang isang lider ng New People’s Army (NPA), sa isinagawang operasyon ng military sa Sitio Dumalaguing, Impasug-ong, Bukidnon nitong Mayo 28.
Ayon kay Brig. Gen. Seigfred Tubalado ng 403rd Infantry Brigade, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated at attempted murder nadakip si Ka Gab.
Sinabi ng militar na si Gab ay sinasabing commander ng yunit sa ilalim ng CPP-NPA North-Central Mindanao Regional Committee at matagal na nilang minamanmanan ang kilos nito.
Kasalukuyan nasa kustodiya ng CIDG-Bukidnon si Ka Gab para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Pinuri ni Maj. Gen. Michele Anayron Jr. ng 4th Infantry Division ang mga operatiba at muling nanawagan sa iba pang miyembro ng NPA na sumuko.
“It’s time for you to lay down your arms and take part in building a peaceful and progressive future,” ani Anayron. Mary Anne Sapico