Home NATIONWIDE Kaso ng dengue sa Maynila muling tumaas, lampas 4.5K na!

Kaso ng dengue sa Maynila muling tumaas, lampas 4.5K na!

3
0

MANILA, Philippines – Nakitaan ng muling pagtaas sa bilang ng mga kaso ng dengue sa Maynila base sa datos ng Manila Health Department (MHD).

Ayon sa MHD, umabot na sa 4,579 ang kaso ng naturang sakit matapos madagdagan ng 40 bagong pasyente.

Patuloy na mino-monitor ng MHD ang kalagayan ng mga pasyente na karamihan ay naka-confine sa anim na ospital na pinamamahalaan ng Manila LGU.

Paalala ng MHD sa publiko, lalo na sa mga nakakaranas ng sintomas ng dengue, na agad magpakonsulta sa mga health center para maagapan at hindi lumala ang sakit.

Bukod sa dengue, naitala rin ng MHD ang 1,664 kaso ng leptospirosis, 2,926 na influenza-like illness, 604 na severe acute respiratory infection, 115 na COVID-19, at 91 na typhoid fever. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here