MANILA, Philippines – Nadiskubre ng 10 mangingisda mula sa Bataan ang nasa 222.655 kilo ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na lumulutang sa kanlurang bahagi ng dagat ng Masinloc sa Zambales noong Huwebes, Mayo 29.
Agad na itinurn-over ng mga ito ang illegal na droga sa mga awtoridad nitong Lunes, Hunyo 2 matapos makabalik mula sa kanilang fishing activity.







