BANGUED, Abra- Sumisigaw ng katarungan ang kamag-anak at pamilya ng dating alkalde na patay matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Dangdangla, Bangued, Abra.
Kinilala ang biktima na si Jendricks Seares Luna, 54-anyos at dating alkalde ng Lagayan, Abra.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nakaupo lamang sa kiosk sa harap ng kanilang bahay nitong alas-8 ng umaga nang dumating ang apat na lalaki sakay ng dalawang motorsiklo at bumaba sa kanyang kinaroroonan at walang awang pinaputukan ito ng baril.
Dinala ng mga kamag-anak ni Luna sa Seares Memorial Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Agad nagsasawa ngayon ng hot pursuit operation ang kapulisan upang mahuli ang mga salarin sa likod ng karumal-dumal sa pagpatay sa dating alkalde. Rey Velasco