Home ENTERTAINMENT Kylie, durog ang puso sa isang ina!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kylie, durog ang puso sa isang ina!June 3, 2025 14:292390 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- At one point in our lives, there comes a time where we need to stand up for what we believe in.Paninindigan ito sa anumang adbokasiya na ating pinaniniwalaan at nais isulong.Such is the case of senatorial daughter Kylie Padilla.Hindi itinanggi ng aktres na durog na durog ang kanyang puso nang matunghayan ang kuwento ng isang ina sa Bulacan.Due to the postpartum depression which the 28-year-old mom was suffering from, sinunog niya ang kanyang sarili.Damay pati ang tatlo niyang mga anak–ages eight, four and one.Wala na rin daw kasi silang makain mag-ina at pambili ng gatas para sa bunsong anak.Bale ba, nabinat pa ang ina.Relate much si Kylie na inaming siya rin ay nagkaroon ng postpartum depression after giving birth to her second child by Aljur Abrenica.Nabinat rin daw siya, attesting to the fact na life-threatening ‘yon.What made matters worse, noong time na ‘yon ay nagkakaproblema na sila ni Aljur.Kaya naman naisip ni Kylie na hilingin sa amang senador na isabatas ang extended maternity leave para sa mga nanay.Naninindigan si Kylie na hindi dapat binabalewala ito as it poses a very serious concern.Pagpaliwanagan lang ni Kylie nang mabuti si Senator Robin, ha?Baka kung ano na naman kasi ang masabi nito sa Senado! Ronnie Carrasco III