MANILA, Philippines – Nanawagan sina Senador Bong Go at Senator Raffy Tulfo sa PhilHealth na taasan ang coverage para sa anti-rabies vaccines dahil sa pagtaas ng kaso ng rabies at mahal na gastos sa pagpapagamot.
Kasalukuyang ₱5,850 ang sakop ng PhilHealth para sa Animal Bite Package.
“Baka ang mga kababayan natin sa takot ayaw na magpa-injection dahil mahal ang babayaran. Lalo na pag talagang positibo na kailangan nila magpa-inject. Baka maaring taasan nyo ang inyong coverage para hindi matakot ang ating mga kababayan na magpa-injection at magpa-gamot dahil may PhilHealth na masasandalan nila,” ani Go, chairperson of the Senate Committe on Health.
Iginiit ni Go ang agarang aksyon sa pagpapagamot, habang hinikayat ni Tulfo ang LGUs na maglaan ng pondo para sa bakuna ng tao at hayop.
Naiulat ng DOH ang 426 pagkamatay dahil sa rabies noong 2024.
Nanawagan din si Go na bayaran agad ang Health Emergency Allowance ng mga health workers. RNT