MANILA, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na legal at makatao ang mga operasyon ng pulisya, partikular sa kampanya kontra droga.
Ito’y matapos magpahayag ng pag-aalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggamit ng bilang ng drug arrests bilang performance metric.
Giit ni Torre, hindi ito paramihan kundi panawagan sa mas masigasig at makatarungang trabaho.
“We are not encouraging illegal shortcuts, nor are we measuring success solely by the number of arrests. What we are advocating for is genuine, lawful action. Everything we do is within the ambit of the law,” saad sa pahayag ni Torre.
Samantala, hinikayat ni Interiori Sec. Jonvic Remulla ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng PNP at Department of Justice sa pamamagitan ng TEPLEA 2025 training upang ibalik ang tiwala ng publiko sa hustisya at law enforcement.
Ang TEPLEA 2025 ay isang nationwide training effort na layong palakasin ang koordinasyon at propesyonalismo sa law enforcement agencies at prosecution offices. RNT