MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Nangako si Dizon na pabibilisin ang mga proyekto para sa mas ligtas at maginhawang biyahe ng mga pasahero.
Nilinaw niyang hindi kanselado kundi pansamantalang ipinatigil ang EDSA rehab project para humanap ng mas mabilis at episyenteng solusyon, ayon sa utos ni Pangulong Marcos.
Tinanggihan din ng Pangulo ang courtesy resignation ni Dizon. RNT