Home NATIONWIDE 60 bahay nilamon ng apoy sa BacoorNATIONWIDETOP STORIES 60 bahay nilamon ng apoy sa BacoorJune 4, 2025 14:182500 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa Bacoor City, Cavite na tumupok sa 60 tirahan nitong Martes, Hunyo 3.Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog na nakaapekto sa 75 pamilya.Ayon sa Region 4A police sa report nitong Miyerkules, Hunyo 4, ang sunog ay sumiklab 7:37 ng umaga sa Sitio Tabing Dagat, sa Barangay Talaba 2.Mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang 60 bahay na gawa sa light materials, bago tuluyang naapula ng mga bumbero 8:41 ng umaga.Walang nasaktan sa nangyaring sunog.Pansamantalang tumutuloy sa Talaba Elementary School ang mga apektadong pamilya.Tinatayang aabot sa P375,000 ang halaga ng pinsala sa sunog. RNT/JGC