Home NATIONWIDE DOH nagpaalala sa publiko vs mga sakit sa tag-ulan

DOH nagpaalala sa publiko vs mga sakit sa tag-ulan

253
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga W.I.L.D. na sakit na maaaring makuha tuwing maulan.

Ginawa ng DOH ang paalala dahil karaniwang tumataas ang mga kaso ng naturang sakit tuwing papasok ang panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa DOH, ang W.I.L.D ay Waterborne diseases na nakukuha sa maruming tubig; Influenza-like illnesses gaya ng trangkaso at lagnat; Leptospirosis na mula sa ihi ng daga sa baha, at Dengue na dulot ng kagat ng lamok na namamahay sa naipong tubig.

Payo ng DOH, maging alerto at sundin ang mga paalala para makaiwas sa sakit.

Sakali namang makaranas ng anumang sintomas ng sakit, payo ng DOH na tumawag sa Telekonsulta Hotline 1555 at pindutin ang 2 para sa agarang konsultasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here