Home NATIONWIDE Higit 400 ‘weak tremors’ naitala sa bahagi ng Cordillera, Isabela

Higit 400 ‘weak tremors’ naitala sa bahagi ng Cordillera, Isabela

306
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mahigit 400 mahinang lindol malapit sa boundary ng Isabela, Ifugao at Mountain Province mula noong Hunyo 1.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Hunyo 4, iniulat ng PHIVOLCS ang ‘earthquake swarm’ sa lugar na nagsimula alas-10 ng gabi noong Linggo.

Ang earthquake swarm ay serye ng mahihina ngunit sunod-sunod na lindol sa iisang lugar dahil sa paggalaw ng active fault.

Naitala ng PHIVOLCS ang 416 earthquakes sa loob ng apat na araw o mula Hunyo 1 hanggang 4.

Sa nasabing bilang, 135 dito ang tinukoy na lindol na may magnitude 1.2 hanggang 3.6 at may lalim na mula dalawa hanggang 38 kilometro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here