Home NATIONWIDE Luzon, Visayas uulanin sa namumuong bagyo

Luzon, Visayas uulanin sa namumuong bagyo

286
0

MANILA, Philippines – Isang low pressure area (LPA) ang magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at pagkulog-pagkidlat sa Bicol Region, Central at Eastern Visayas, Aurora, at Quezon, ayon sa PAGASA.

Dahil sa Habagat, maaapektuhan din ang Metro Manila, MIMAROPA, malaking bahagi ng Luzon at Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.

Inaasahan ang pag-ulan na 50 hanggang 200 mm sa ilang rehiyon sa loob ng susunod na tatlong araw, partikular sa Bicol, Quezon, Palawan, at bahagi ng Kanlurang Visayas at Mindanao.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flash flood at landslide, lalo na sa mga bulubunduking lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here