Home HOME BANNER STORY P4.20/L rollback sa gas; diesel sirit-presyo ng P0.40/L

P4.20/L rollback sa gas; diesel sirit-presyo ng P0.40/L

1
0

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng malaking rollback sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo, habang bahagyang pagtaas naman ang inaasahan sa diesel.

Batay sa pagtataya ng isang oil industry source gamit ang Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, maaaring bumaba ang presyo ng gasolina ng P4.00 hanggang P4.20 kada litro.

Samantala, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng P0.20 hanggang P0.40 kada litro.

Ayon sa industry source, nananatiling mababa ang global inventories ng diesel kaya may upward pressure sa presyo nito. Gayunman, nalilimitahan ang posibleng taas-presyo dahil sa inaasahang dagdag na supply mula Russia at planong paglalabas ng diesel stocks ng Group of Seven nations.

Sa gasolina naman, nakatulong sa pagbaba ng presyo ang pagluluwag ng supply concerns sa Asia at pagdami ng available supply matapos bumalik sa operasyon ang ilang refineries.

Ngayong linggo, ibinaba ng oil companies ang presyo ng diesel ng P3.01 kada litro, habang itinaas naman ang gasolina ng P1.56 kada litro at kerosene ng P1.77 kada litro, epektibo noong Oktubre 13.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis tuwing Lunes ang kanilang final pump price adjustments na ipatutupad kinabukasan.

Kaya nananatiling estimate lamang ang P4.00 hanggang P4.20 rollback sa gasolina at P0.20 hanggang P0.40 hike sa diesel hanggang ilabas ng oil companies ang opisyal na adjustment. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here