Home NATIONWIDE Self-rated poverty sa mga pamilyang Pinoy pumalo sa 50% – SWS

Self-rated poverty sa mga pamilyang Pinoy pumalo sa 50% – SWS

332
0

MANILA, Philippines – Kalahati ng mga pamilyang Filipino ang ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Abril 23 hanggang 28, 2025.

Ayon sa SWS, ang score ay mas mababa ng 5 points mula sa naunang survey na isinagawa mula Abril 11 hanggang 15, 2025.

Itinuturo ng SWS ang pagbaba sa Metro Manila at Mindanao, maging ang steady scores sa Mindanao at Balance Luzon.

Pinakamataas ang self-rated poverty sa Visayas sa 67%, at pinakamababa sa Metro Manila sa 33%.

Samantala 8% ng mga pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay nasa borderline ng pagiging mahirap at hindi mahirap, habang 42% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Record low ang resulta para sa borderline, lampas sa 11% score noong Disyembre 2024, habang ang percentage ng hindi mahirap na pamilya ay tumaas ng 10 points mula sa 32% noong Abril 11-15, 2025, sa bagong record high na 42% noong Abril 23-28, 2025.

Lampas ito sa dating rekord na 36% noong Marso 2025.

Sa tinatayang 14.1 milyong self-rated poor families sa survey na isinagawa mula ABril 23-28, 2.2 milyon ang ‘newly poor,’ 2.3 milyon ang ‘usually poor,’ at 9.5 milyon ang ‘always poor.’

Nananatili sa P10,000 mula Disyembre 2024 hanggang Abril 2025 ang nationwide median self-rated poverty threshold (SRP threshold), habang ang nationwide median self-rated poverty gap (SRP gap) ay nananatili sa P5,000 mula Setyembre 2024 hanggang Abril 2025.

Ang median monthly family expenses sa buong bansa batay sa April 23-28 survey ay ang mga sumusunod:

–              House Rent: P3,000

–              Transportation: P2,000

–              Internet: P800

–              Mobile Load: P400

Ang datos mula sa pag-aaral ay mula sa face-to-face interviews sa 1,500 Filipino adults sa buong bansa.

May sampling error margins ito na ±3% para sa national percentages, ±4% sa Balance Luzon, at tig-±6% sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here